Ilang Barangay sa Biñan City, Laguna, wala nang aktibong kaso ng Covid-19

Apat na Barangay na sa Biñan City, Laguna ang walang aktibong kaso ng Covid-19.

Ayon sa City Epidemiology & Surveillance Unit, ang mga ito ay ang mga Barangay ng Sto. Domingo, Dela Paz,  Sto. Niño, at Bungahan.

Pero, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na huwag maging kampante at sundin ang minimum health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa pinakahuling datos, umaabot na lamang sa 132 ang aktibong kaso ng Covid sa Biñan kung saan lima ang nadagdag na bagong kaso.

Kabuuang 1,496 naman ang mga pasyenteng gumaling na mula sa sakit sa lungsod habang 50 ang pumanaw.

Moira Encina

Please follow and like us: