Ilang batch ng AstraZeneca Covid-19 vaccines, pinalawig ang shelf life
![](http://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2022/03/000_94R7X2-960x640-1.jpg)
May ilang batch na ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca na malapit ng ma-expire ang inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) na mai-extend ang shelf life.
Ayon kay FDA OIC Director General Oscar Gutierrez, may 4 na batch na silang inaprubahan para mapalawig ang shelf life.
Bukod rito, may 8 batch na rin aniya silang nauna nang naaprubahan.
Tiniyak naman ni Gutierrez na lahat ng ito bago nila aprubahan ay dumaan muna sa masusing pag-aaral.
Tiniyak rin ng opisyal na kahit ma-extend ang shelf life ay hindi ito makakaaapekto sa effectivity ng bakuna.
Madz Moratillo
Please follow and like us: