Ilang Domestic flights kanselado dahil sa sama ng panahon

0

 

 

Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang Flights DG- 6009/6010 Manila – Basco – Manila ng Cebgo, gayundin ang Flights M8 816/817 Manila – Basco – Manila ng Skyjet.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan.

Ang mga apektadong pasahero ay pinayuhang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

 

==============

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *