Ilang establisyimento na pinayagang mag-operate sa panahon ng MGCQ sa Tagum City, muling ipinasara

Ipinasara ang ilang internet cafes, computer shops at spa massage parlor sa Tagum City, Davao Del Norte matapos madiskubre na lumabag ang mga ito sa Modified General Community Quarantine ( MGCQ ) protocols ng gobyerno.

Bagamat pinayagan na silang makapag-operate ngunit marami sa kanila ang umano’y di sumusunod tulad ng 50% capacity lamang ang dapat na nasa loob ng kanilang mga shop.

Kaya naman pinaalalahanan ni Tagum City Mayor Allan Rellon ang kaniyang mga constituent  na mahigpit na sundin ang new normal requirements at kung hindi ay agad na ipasasara ng Local Government Units ( LGU ) ang kanilang mga negosyo.

Kabilang sa ipinatutupad na health protocols ay ang pagsusuot ng face mask. Hindi rin pinapayagan ang mga minor o estudyante na may edad 20 anyos pababa na pumasok sa nasabing mga shop.

Haydee Jipolan

Please follow and like us: