Ilang fans, papayagang manood sa Tour de France

Napilitang i-reschedule ang Tour de France bunsod ng Coronavirus Pandemic.

Nangako si Tour Director Christian Prudhomme na may ilang bilang ng fans na papayagang manood sa 2020 Grande Boucle, na gaganapin sa darating na Sabado.

Gayunman ayon kay Prudhomme, maglalagay ng screening areas sa start at finish areas ng event, para masunod ang 5,000 kataong limitasyon alinsunod na rin sa ipinaiiral na guidelines ng French government.

Maglalagay din aniya ng screening areas sa 20 o higit pang “climbs and passes.”

Paliwanag ni Prudhomme, papayagan lang makapunta sa mga passes sa ilang lugar ay ang mga spectator na naglalakad, naka-bisikleta o yaong mga dumating lulan ng public transport na itinalaga ng village o town hosts.

Kasama naman sa health and safety protocols para sa riders at teams ay ang pananatili nila sa loob ng isang bubble at higit isang beses na pagsailalim sa Covid-19 test.

By: Liza Flores

Please follow and like us: