Ilang grupo, nagsimula na sa kanilang kilos protesta

Nagsimula na ang demonstrasyon ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa University of the Philippines, Diliman para sa kanilang kilos protesta.

Suot ng mga ito ang kanilang protest outfits para sa State of the Nation Address ngayong araw.

Inaasahang maya-maya magmamartsa ang mga ito patungong Commonwealth Avenue.

Ang grupo ay pinangungunahan nina Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, Arlene Brosas, Sarah Elago at France Castro .

Sigaw ng grupo ang lalung paglala ng kahirapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Please follow and like us: