Ilang health facilities sa Cordillera Administrative Region napinsala ng lindol

Napinsala rin dahil sa magnitude 7 na lindol sa Abra ang ilang health facilities sa Cordillera Administrative Region.

Sa ulat ng Department of Health, ito ay kinabibilangan ng 8 ospital, 28 Regional Health Units, at 18 Barangay Health Centers.

Ayon sa DOH, patuloy sa pag-iikot sa CAR ang kanilang mga opisyal at tauhan para alamin ang pinsala ng lindol sa mga health facilities at malaman ang kalagayan ng mga health workers.

Inihayag din ng ahensya, sisiguruhin nila na hindi maaapektuhan ang health services sa rehiyon sa kabila ng sitwasyon roon ngayon.

Kabilang sa mga tulong na kanilang ipinadala ay mga tent, higaan, hygiene kits, gamot at iba pang supply.

Nagpadala rin sila ng karagdagang medical team para makatulong sa mga apektadong lugar.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: