Ilang hukuman sa bansa, pisikal na sarado hanggang sa susunod linggo

Pansamantalang sarado hanggang sa susunod na linggo ang ilang korte sa bansa.

Ito ay dahil pa rin sa ipinaiiral na pag-iingat laban sa COVID-19.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information, naka-lockdown hanggang June 17 ang Tiwi-Malinao Albay Municipal Circuit Trial Court, Tacloban RTC Branch 8, at San Fernando City, La Union RTC Branch 66 habang hanggang June 18 naman ang Tarlac City Municipal Trial Court in Cities Branch 2.

Pisikal na sarado naman hanggang sa June 16 ang San Fernando City, La Union RTC Branches 26 at 10-FC, at Tagbilaran City, Bohol MTCC Branch 2 habang June 14 ang Mariveles, Bataan RTC Branch 4.

Maaari pa ring ma-contact ang mga nasabing korte sa pamamagitan ng official hotlines at email addresses.

Para makita ang kumpletong quarantine status ng mga lower courts sa bansa ay bisitahin lamang ang website ng Korte Suprema na sc.judiciary.gov.ph.

Moira Encina

Please follow and like us: