Ilang hukuman sa Batangas at Malabon City, nagkansela rin ng pasok dahil sa malakas na pag-ulan

Pisikal na sarado rin ang ilang hukuman sa Batangas at Malabon City dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan ngayong Huwebes.
Sa Batangas, sarado simula alas-11 ng umaga ang Lipa City MTCC Branches 1,2,3 at Office of the Clerk of Court- MTCC.

Nag-anunsyo rin ng work suspension ang mga hukuman na nasa territorial jurisdiction ng Batangas City Regional Trial Court.

Nagkansela rin ng trabaho ang Malabon City RTC simula alas -3 ng hapon dahil sa masamang panahon.

Bukas naman ang mga opisyal na hotlines at email addresses ng mga nasabing korte sa kabila ng suspensyon ng pasok.
Moira Encina