Ilang kabataan ng Bustos, Bulacan ginawaran ng PNP ng parangal at insentibo

Ilang kabataang Bustoseño ang ginawaran ng parangal at pinagkalooban ng insentibo, matapos manalo sa National Level entry para sa short film competition tungkol sa Anti-Terrorism Campaign ng Phil. National Police, ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo.

Ang paggagawad ng parangal na ginanap sa harapan ng Bustos Municipal building, ay pinangunahan ni Bustos Mayor Francis Albert Juan.

Bukod sa parangal, ang naturang mga kabataan ay tumanggap din ng sampung libong pisong insentibo.

Samantala, binati rin ng Punong Bayan ang Bustos Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Jude Bryan Maguddayao, Acting Chief of Police, dahil sa pagbibigay karangalan para sa kanilang bayan.

Francis Parido

Please follow and like us: