Ilang kalsada sa Biñan, binaha dahil sa bagyong Jolina

Bunsod ng walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Jolina, ilang kalsada sa Brgy. Dela Paz at kalapit na barangay nito sa Biñan City sa Laguna ang binaha.

Katunayan, iniakyat na ng ilang residente ang kanilang mga gamit, dahil umabot na ang tubig baha sa binti at tuhod, ang iba naman ay inilipat sa mas mataas na lugar ang kanilang sasakyan.

Kaugnay nito ay nag-ikot na ang mga kawani ng barangay upang magpaalala sa mga residente na patuloy na maging alerto sa posibleng pag-apaw ng tubig sa ilog.

Naka-alerto na rin ang lahat ng rescuers sakaling may kailangang ilikas na pamilya o mga residente sa nasabing barangay.

Maging ang evacuation center ay handa na rin para sa mga gustong lumikas.

Arnel Aleroso

Please follow and like us: