Ilang korte sa bansa, pansamantalang sarado para sa disinfection at quarantine

Naka-lockdown ang ilang hukuman sa bansa upang bigyang- daan ang disinfection ng mga tanggapan, at quarantine ng mga kawani.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sa Cebu pisikal na sarado hanggang March 12 ang Dumanjug-Ronda Municipal Circuit Trial Courts, at  hanggang March 9 ang Cebu City Municipal Trial Court in Cities Branches 2 at 10.

Sarado naman ang Los Baños Municipal Trial Court hanggang March 17.

Inilagay din sa lockdown hanggang March 14 ang Binangonan, Rizal Regional Trial Court Branch 67, at ang lahat ng korte at ang Office of the Clerk of Court ng Antipolo City MTCC hanggang ngayong araw.

Tuloy pa rin ang operasyon ng mga nasabing hukuman sa pamamagitan ng kanilang official hotlines at email addresses.

Moira Encina

Please follow and like us: