Ilang korte sa Batangas at Baguio City, pisikal na sarado

Pansamantalang sarado ang ilang hukuman sa Baguio City at Batangas bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19.

Sa Baguio City, pisikal na sarado hanggang sa April 25 ang Office of the Clerk of Court ng Municipal Trial Court in Cities habang hanggang April 20 ang Branch 6 ng Regional Trial Court.

Sa Batangas, naka-lockdown hanggang April 23 ang Tanauan City MTCC habang hanggang April 21 ang Lipa City RTC Branch 85.

Sarado rin ang mga hukuman sa Municipal Hall ng Talisay, Batangas hanggang April 16 para sa disinfection.

Bukas naman ang hotlines at email addresses ng mga nasabing korte.

Maaaring makita ng publiko ang quarantine status ng mga trial courts sa bansa sa website ng Korte Suprema na sc.judiciary.gov.ph.

Moira Encina

Please follow and like us: