Ilang korte sa Cavite at Oriental Mindoro, suspendido ang pasok dahil sa baha at masamang panahon

Nananatiling suspendido ang trabaho sa ilang mga hukuman sa bansa ngayong Biyernes dahil sa epekto ng masamang panahon.

Ayon sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, kanselado ang pasok sa mga korte sa Cavite City Hall of Justice.

Gayundin, sa municipal trial courts sa mga bayan ng Rosario at Noveleta sa Cavite bunsod ng pagbaha sa mga nasabing lugar.

Nagdeklara rin ng suspensyon sa trabaho ang Calapan City, Oriental Mindoro Regional Trial Court dahil pa rin sa mga pag-ulan.

Bukas naman ang mga official hotlines at email addresses ng mga apektadong korte.

Moira Encina

Please follow and like us: