Ilang korte sa Luzon, pisikal na sarado hanggang sa Hunyo 30

Sarado ang ilang hukuman sa Luzon hanggang sa katapusan ng Hunyo bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa Palawan, pisikal na sarado hanggang sa June 30 ang Puerto Princesa City Hall of Justice Compound, Puerto Princesa City MTCC, at Roxas, Palawan RTC Branches 95 at 164.

Sa Quezon, naka-lockdown din hanggang sa katapusan ng buwan ang Lucena City, Quezon RTC at MTCC.

Sa Bataan, pisikal na sarado ang lahat ng first at second level courts at Office of the Clerk of Court sa Balanga, at ang Dinalupihan RTC.

Hanggang June 30 rin ang physical closure ng Ballesteros, Cagayan RTC at Naga City, Camarines Sur MTCC.

Maaaring ma-contact ang mga nasabing korte sa pamamagitan ng kanilang official email addresses at hotlines.

Moira Encina

Please follow and like us: