Ilang lugar sa Metro Manila, mawawalan ng suplay ng tubig sa October 25

Mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at Cavite, mula alas-11:00 ng umaga sa Oct. 25 hanggang alas-11:59 ng gabi sa Oct. 28, 2021.

Kabilang sa mga lugar na 25-85 oras na mawawalan ng suplay ng tubig ay ang Las Piñas, Makati, Maynila, Parañaque, Pasay, Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.

Ayon sa Maynilad, bunsod ito ng gagawing drainage sa kahabaan ng Cristobal street sa Sampaloc, Maynila.

Bukod dito ay magsasagawa rin ng leak repairs at maintenance work sa pumping station sa nasabing lugar.

Bilang tulong naman sa mga residenteng maaapektuhan ng water interuption, sinabi ng Maynilad na maglalagay sila ng 14 na stationary water tank at 60 mobile tanker para mapagkunan nila ng tubig.

Please follow and like us: