Ilang mga gusali sa QC na maaaring gawing Isolation facilities, ininspeksyon

Ininspeksyon ng City Architect’s Office ang ilan sa mga paaralan at gusali sa Quezon City upang idevelop bilang Isolation Facilities.

Ilalaan ang mga pasilidad na ito para sa mga mild at asymptomatic COVID-19 cases sa lungsod.

Pinangunahan nina Architect Lucille Chua, Dr. Amelita Guzon -QC General Hospital Dept. of Family & Community Medicine Head at Secretary to the Mayor RJ Belmonte ang pag-inspeksyon sa mga gusali.

Kabilang sa mga ininspeksyong gusali ay ang Kamia Residence Hall sa UP Diliman na mayroong 94 na kwarto kung saan bawat isa dito ay kasya ang tatlong pasyente.

Pinaplano ring ayusin ang Building D ng San Francisco High School sa Brgy. Sto. Cristo bilang isolation facility na mayroong 24 na silid-aralan na magkakasya ang apat na pasyente sa bawat kwarto.

Ken Mesina

Please follow and like us: