Ilang mga hukuman, naka-lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19

Aabot sa 21 korte ang naka-lockdown bunsod ng mga kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga ito ang ilang RTC, MTC, MCTC at MTCC sa CALABARZON.

Gayundin sa Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Bataan at Isabela.

Pisikal na sarado ang mga ito hanggang sa susunod na linggo para sa isasagawang disinfection sa court houses at quarantine ng mga kawani.

Samantala, suspendido naman ang mga pagdinig sa 1st MCTC Malimono-San Francisco (Anao-aon), Surigao del Norte hanggang Enero 31.

Hindi pa makababalik ang normal na operasyon nito dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Odette.

Moira Encina

Please follow and like us: