Ilang lugar sa Kawit, Cavite, mawawalan ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ng tubig nang labindalawang oras ang mga customer ng Maynilad sa Kawit, Cavite sa Enero 11-12, 2021.

Magsisimula ang water interruption ng 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga. 

Ito ay dahil sa pagsasaayos ng leak sa may bahagi ng Coastal Mall, Tambo, Parañaque City. 

Kabilang sa mga apektadong baranggay na mawawalan ng tubig ay ang Balsahan-Bisita, Batong Dalig, Binakayan-Aplaya, Binakayan-Kanluran, Congbalay-Legaspi, Gahak, Kaingen, Magdalo, Manggahan-Lawin, Marulas, Pag-asa III, Panamitan, Poblacion, Pulvorista, Samala-Marquez, San Sebastian, Sta. Isabel, Tabon 1 to Tabon 3, Toclong, Tramo-Bantayan, Wakas 1 at Wakas 2.

Nagpapaalala naman ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Kawit at ang pamunuan ng Maynilad na mag-imbak na ng tubig bago dumating ang pagkaantala ng suplay ng tubig.

Ulat ni Jet Hilario

Courtesy: Kawit Public Information Office
Please follow and like us: