Ilegal na droga, pampasabog at iba pa nakumpiska sa dalawang suspek sa Makati

Courtesy: SPD PIO
Inaresto ng Makati City Police ang dalawang lalaking suspek sa isang pre-dawn patrol operation matapos na makuhanan ng ilegal na droga, baril, pampasabog, at pekeng pera sa Barangay Guadalupe Viejo, makaraang makatanggap ng tip mula sa isang impormante ng Barangay Information Network hinggil sa aktibidad ng mga ito.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay nakilalang sina alias Steve, 18-anyos, at alias Dixon, 26-anyos na kapwa taga Taguig City.

Courtesy: SPD PIO
Matapos ang ginawang surveillance ng mga awtoridad, nahuli ang mga suspek sa aktong nakikipagtransaksyon sa droga na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Narekober kay alias Steve ang isang echo bag na naglalaman ng 995 gramo ng hinihinalang pinatuyong marijuana, limang sachet ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng 120,000 pesos, at ang 300,000 boodle money.
Nakumpiska naman mula kay alias ang isang kalibre.22 revolver na may anim na live bullet at isang motorsiklo.
Nakakulong na ang mga suspek sa Makati City Police station.
Archie Amado