Iloilo Provincial Government, bumili ng 5 bagong unit ng mga ambulansya

Bumili ng limang (5) unit ng mga ambulansya ang Provincial Government of Ilo-ilo para matustusan at mapabilis pa ang paghahatid ng serbisyong medikal, sa kanilang lalawigan, lalo na pagdating sa transportasyon ng mga COVID 19 patients. 


Ang bawat ambulansya ay kumpleto na ng mga medical supplies na gagamitin dito. 
Bawat ambulansya ay nagkakahalaga ng higit-kumulang tatlong milyong (3,000,000) piso.


Ang mga naturang ambulansya ay gagamitin at ipagkakaloob sa Provincial Health Office ng iloilo, sa Medical-Dental Clinic, at sa tatlo pang district hospital sa Iloilo province.

Ulat ni Raindel Servento

Please follow and like us: