Imus City Gov’t, sa Cavite, walang naitalang Casualties matapos ang Bagyong Rolly

Walang naitalang masawi, nasaktan o nawawala sa Imus city Cavite matapos dumaan ang Bagyong Rolly. 


Lahat ng mga residenteng inilikas ay nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan.

Nagpapaalala naman ang alkalde ng Imus Cavite na manatili lamang na nakahanda at alerto sa lahat ng oras sa mga darating pang kalamidad at pagsubok sa kanilang bayan.


Samantala, sinimulan nang linisin at i-disinfect ng mga eco-aide o mga Covid buster mula sa City Environment and Natural Resource Office ng Imus Cavite ang mga pasilidad at mga lugar na nagsilbing evacuation centers. 

Ito ay para mapanatili namang ligtas at malinis ang mga pasilidad laban sa Covid 19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: