Ina na nagsilang ng kambal sa Navotas City na nagpositibo sa Covid-19, nakarekober na

Nakarekober na sa Covid-19, ang isang ina sa Navotas city na nagsilang ng kambal na sanggol.

Si Judy Ann Sarabia, 25-anyos at residente ng Brgy. North Bay Blvd North.

Sa inilabas na pahayag ni Mayor Toby Tiangco , nag-negatibo na sa nasabing sakit ang ina matapos ang dalawang linggong gamutan.

Maging ang bagong silang na kambal ay negatibo rin sa virus.

Si Sarabia ay nakitaan ng mga sintomas ng Covid-19 bago na-admit sa Navotas city Hospital noong April 4 para sa isang ceasarian operation.

Itinuring siyang Person under Investigation at nakumpirma noong April 8 na positibo sa Covid-19.

Siya na ang ika-anim na gumaling sa Covid 19 sa lunsod.

Ulat ni Charo Gregorio

Please follow and like us: