Incoming House speaker Martin Romualdez, nagpaabot na ng pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe

Personal na nagtungo si incoming House Speaker Martin Romualdez sa tirahan ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko upang ipaabot ang pakikiramay sa Japanese government kaugnay ng pagpatay kay dating Japanese Prime Minister Shenzo Abe.

Ipinaabot din ni Romualdez ang pakikiramay sa asawa ni Prime Minister Abe na si Mrs. Akie Abe at sa mga kamag-anakan ng dating Japanese leader.

Sinabi ni Romualdez na si Prime Minister Abe ay itinuturing ng sambayanang Pilipino na matalik na kaibigan dahil sa maraming tulong na naibigay sa Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Noong nabubuhay pa si Prime Minister Abe ay isinulong nito ang pagpapakakas sa relasyon ng Pilipinas at Japan.

Vic Somintac

Please follow and like us: