Incoming Justice Sec. Crispin Remulla, nakipagpulong sa mga opisyal ng NBI

Bumisita si Incoming Justice Secretary Crispin Remulla sa punong tanggapan ng NBI sa Quezon City.

Sa kanyang pagbisita ay binigyan siya ng update ng liderato ng NBI sa mga accomplishments ng kawanihan.

Gayundin ng mga nagpapatuloy na programa at proyekto ng NBI.

Ipinakita rin kay Remulla ang mga bagong biling equipment ng NBI para mapagbuti ang intelligence at investigative services nito.

Tiniyak din ni NBI Director Eric Distor ang buong suporta ng kawanihan sa liderato ni Remulla.

Siniguro naman ni Remulla na mas palalakasin niya ang NBI sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang kalihim ng DOJ.

Moira Encina

Please follow and like us: