Iniisyung NBI clearance gagawin nang multi-purpose ayon sa DOJ

 

nbi 1

Magiging Multi-Purpose o iisang klase na lang ang iisyung clearance ng NBI.

Sa Department Circular Order ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, iniutos nito sa NBI na mula sa specific purpose ay palitan ang mga kasalukuyang format ng NBI clearances ng may katagang “Issued for whatever legal purpose.”

Ayon kay Aguirre, ang Unified NBI Clearance System ay isang paraan para makatipid ng salapi at panahon ang mga Filipino.

Sa kasalukuyan, ibat- ibang klase ang iniisyung clearance ng NBI depende kung saan ito gagamitin gaya ng employment, travel abroad, marriage, business requirement, change of name, naturalization at iba pa.

Sisimulang ipatupad ang general or multi-purpose NBI clearance 15 araw matapos mailathala ang notices sa hindi bababang dalawang pahayagan.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us: