IPO dam, patuloy na nagpapakawala ng tubig

Nananatiling nakabukas ang isang gate ng IPO dam.
Sa advisory ng PAGASA Hydrometeorology Division kaninang 7:30 ng umaga, nasa 0.20 meters ang sukat ng gate na nakabukas sa dam at nasa 38.70 cms ang total discharge.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residenteng naninirahan sa mga low-lying areas at malapit sa riverbanks ng Angat river mula Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit at Hagonoy na maging alerto at maghanda sa posibleng pagbaha.