Ipo-ipo, nanalasa sa Tumauni, Isabela

Namataan ang isang ipo-ipo sa hilagang bahagi ng  Tumauini, Isabela, Lunes ng hapon.

Sa video na kuha ni Janjan Cordero, makikita ang makapal na ulap kasabay ng ipo-ipo na nasa bukiring parte na malapit sa Cagayan river ng bayan.

Ayon rin kay Janjan nag simula ito bandang alas 4:10 ng hapon na tumagal ng halos 30 minuto.

Sa video na kuha naman ni Angel Turqueza napapasigaw ang mga residente na nanonood ng ipo-ipo dahil sa lakas nito.

Sa videong galing kay Rose Anne Angeles , kitang kita kung gaano kalakas ang pananalasa ng ipo-ipo sa kanilang tahanan.

Wala namang nasaktan sa insidente maliban sa mga tahanan na nadaan ng ipo-ipo na tuluyang sinira ang mga ito.

Pasalamat rin ng mga residente ay walang nasirang mga pananim sapagkat nakapag-ani na sila. (Report ni Eaglenews Correspondent RYAN FLORES )

Please follow and like us: