Isa ang patay, dalawa nawawala sa pagguho ng lupa sa Davao City

Isa ang nasawi, dalawa ang patuloy pa ring hinahanap at dalawa ang kasalukuyang nasa pagamutan, matapos matabunan ng lupa dulot ng landslide sa Mandug-Acacia bypass road, na sakop ngSitio Sto Niño, Barangay Mandug Buhangin District, Davao City

Nangyari ang aksidente kaninang pasado ala- 6:45 ng umaga.

Batay sa ibinigay na impormasyon ng Davao Central 911, bigla na lang gumuho ang lupa sa lugar na nabanggit, habang may mga nagja-jogging at nagbi-bisikleta.

Lima katao ang agad na natabunan ng lupa, kung saan dalawa sa mga ito, isang lalaki at isang babae ang agad ding nailigtas at isinugod sa Southern Phils Medical Center, at ngayo’y ligtas na sa kapahamakan.

Tatlo naman ang hindi kaagad nakita, ngunit hanggang kaninang alas doce y medya ng tanghali ay narekober na ang bangkay ng isang lalaki, na isa sa tatlong nawawala.

Patuloy naman ang isinasagawang  search and retrieval  operations hanggang sa kasalukuyan para sa dalawa pang nawawala.

Ayon kay Davao City Disaster Risk Reduction Office Operations and Warning Officer Rodrigo Bustillo, may ongoing road construction project sa naturang lugar kayat hindi dapat dinaraanan ng mga tao.

Ang pinahihintulutan lamang na gumawi roon ay ang mga nagtatrabado sa construction.

Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Ulat ni Noreen Ygonia

Please follow and like us: