Isa pang paksyon ng PDP laban, Kinontra ang pag-endorso sa kandidatura ni BBM

Binatikos ng isa pang paksyon ng PDP laban ang desisyon na iendorso ang kandidatura ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel, ang pag- eendorso ng grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi kay Marcos ay katunayang hindi sila mga lehitimong miyembro ng partido.

Paalala niya itinatag ng kaniyang ama na si dating Aquilino Nene Pimentel ang PDP laban para labanan ang aniya’y diktaturya ng dating Marcos administration.

Ang paksyon ni Pimentel ay may sariling kandidato sa pagka Pangulo.

Kasabay nito, umapila si Pimentel sa Commission on Elections na desisyunan na at ibasura ang petisyon na isinampa ng kampo ni Cusi na tinawag niyang manggagamit.

Sa naturang petisyon hiniling ng Cusi group na ideklara ang grupo ni Pimentel na mga illegal representatives ng partido.

Meanne Corvera

Please follow and like us: