Isa patay, 3 sugatan sa sunog na sumiklab sa isang cargo ship sa Talisay city, Cebu

Isang crew ang patay at 3 iba pa ang sugatan matapos masunog ang M/V General Romulo cargo ship na karagatang sakop ng Talisay city, Cebu kaninang umaga.

Ang container ship at domestic vessel ay nabatid na may lulan na 20 crew members.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nakatanggap sila ng impormasyon na may nasusunog na barko habang nasa karagatan ng Talisay city.

Kaagad namang rumesponde ang mga personnel ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Talisay at Talisay City Bantay Dagat upang magsagawa ng medical evaluation.

Rumesponde rin sa insidente ang BRP Malamawi (FPB-2403), Special Operation Unit (SOU)-Central Visayas, at Coast Guard Medical Central Visayas para sagipin ang mga biktima.

Tuluyang naapula ang sunog sa barko pasado alas-10:00 ng umaga pero patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Please follow and like us: