Isa patay , isa sugatan sa shooting incident sa Maynila

Isa ang patay habang sugatan naman ang isa pa matapos barilin ng isang pulis sa Maynila.

Sa report ng Manila Police District, Habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa JP Rizal sa Tondo ang mga biktima na kinilalang sina Joseph Marga, 32 anyos, at Mark Lester Quiñ0nes, 28 anyos, ay hinarang sila ng suspek na kinilalang si Police Corporal Pat Alvin Santos, na naka-assign sa MPD station 3.

Bigla na lamang umanong sinabihan ng lasing na si Santos ang mga biktima na aarestuhin ang mga ito.

Pero nangatwiran umano ang biktimang si Marga na taga roon lamang sila sa lugar.

Hindi umano nagustuhan ng suspek ang sagot ni Marga at pinagbabaril ang dalawang biktima.

Dito na nakialam ang mga by stander sa lugar at inatake ang nasabing pulis.

Sa pagmamadaling makatakas ay naiwan ng suspek ang armas na ginamit nito sa pamamaril.

Agad namang naisugod sa Tondo medical center ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Marga habang nagtamo naman ng tama ng baril at sumailalim na sa medical treatment si Quiñ0nes.

Patuloy naman ang imbestigasyon at hot pursuit operation ng pulisya para madakip ang suspek.

Madz Moratillo

Please follow and like us: