Isa, patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Kalibo, Aklan

Patay ang isang babae matapos bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isa pang kasalubong na motor sa Brgy. Caano, Kalibo Aklan.


Kinilala ang biktima na si Andrea Tibobos Remetio, 58 anyos, at residente sa Pudlon Mabilo Kalibo, ngunit ligtas naman ang anak nito na kanyang driver at ang isa pang rider na si Federico Ricaforte Feguoroa, 65 anyos na residente naman ng Crossing Buswang, Kalibo, Aklan.


Ayon sa PNP Kalibo, magka-angkas sa motor ang biktima at anak nito nang mangyari ang akaidente.

Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima na agad nitong ikinasawi. 


Mabilis namang rumesponde ang mga opisyal mula sa MDRRMO-Kalibo at naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay.


Nangako naman ang driver ng motor na magbibigay ng financial aid sa mga biktima ng aksidente.

Lads Ventura

Please follow and like us: