Isa sa mga tumakas na PDL sa Bilibid, napatay ng mga otoridad sa engkuwentro

Napatay sa engkuwentro ang isa sa tatlong convicted inmates na nakatakas sa New Bilibid Prison.

Kinilala ang preso na si Pacifico V. Adlawan na tumakas mula sa Maximum Security Compound ng Bilibid.

Si Adlawan ay convicted sa kasong frustrated homicide at paggamit ng iligal na droga at may pending na homicide case sa Bacoor RTC.

Ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, nakita ng mga otoridad bandang tanghali na may tumakbo sa creek ng Muntinlupa Cavite Expressway (MCX) habang nagsasagawa ng manhunt operations.

Na-corner ito at nagpaputok sa mga tauhan ng Bilibid at Muntinlupa City PNP kaya napilitan din ang mga otoridad na paputukan ang lalaki at kalaunan ito ay na-neutralized.

Narekober mula sa napatay na PDL ang 9mm pistol at mga bala.

Nasugatan din sa operasyon ang ilang tauhan ng NBP pero ito ay minor lamang.

Moira Encina

Please follow and like us: