Isang 102 anyos na babae sa Muntinlupa City, nagpabakuna na

Isang centenarian ang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19, sa Muntinlupa.

Si Aling Maria Rosario Mañas, 102 taong gulang, residente ng Barangay Cupang, ay binakunahan sa Festival Mall UGF Covered Parking, isang vaccination site sa lungsod.

Kasunod nito, hinimok ng mga kinauukulan ang mga nakatatandang mamamayan na magpabakuna na rin laban sa COVID-19, bilang proteksyon laban sa masamang epekto ng virus.

Maging ang lahat ng mga residente ay hinihikayat na huwag matakot sa bakuna, para makaiwas sa COVID-19.

Samantala, maaaring magparehistro ang publiko sa pamamagitan ng MunCoVac (https://vaccine.muntinlupacity.gov.)

Ulat ni Henry Crisostomo

Please follow and like us: