Isang barko, bumangga sa Pier 2 ng Manila North Harbor

Isang barko ang bumangga sa Pier 2 sa Manila North Harbor sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago, ang barkong nasangkot sa insidente ay ang Ocean Abundance.

Nangyari ang pagbangga kaninang umaga pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Santiago.

Sa ngayon ay patuloy pa aniya ang imbestigasyon.

Sa pagbangga ng barko nahagip rin nito ang isang sa truck na mabuti na lamang at hindi nahulog sa tubig. Tiniyak naman ni Santiago na walang nasaktan sa insidente.

Ang barko ay may kargang mga container van.

Ayon kay Santiago, ipasasagot sa Ocean Abundance ang pagpapagawa sa mga nasira sa Pier.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: