Isang frontliner sa Santa Rosa city, Laguna, nakarkober sa Covid-19

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga gumagaling na pasyente ng Covid 19 sa Santa Rosa city, Laguna.

Sa pinakahuling tala ng City government, 14 na ang bilang ng mga nakarekober sa lungsod.

Kabilang sa mga nadagdag na recoveries ay ang 22- anyos na babaeng frontliner mula sa Brgy. Market area.

Nakalabas na ng pagamutan ang babaeng frontliner at nagnegatibo na ang resulta ng Covid 19 test nito.

Gumaling din sa Covid 19 ang 59- anyos na lola na residente sa Brgy. Malitlit.

Na-discharge na rin sa ospital at nag-negatibo na rin sa Covid ang lola.

Sa kasalukuyan, 8 pang Covid 19 patients sa Santa Rosa ang patuloy na ginagamot sa mga ospital.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: