Isang Healthcare worker sa NCR na residente ng Biñan city sa Laguna, nagpositibo sa Covid-19

Umakyat na sa 26 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid 19 sa Biñan city, Laguna.

Ayon sa Biñan city Health office, nadagdagan ng dalawa ang nagpositibo sa virus sa lungsod.

Isa sa mga ito ay ang 51- anyos na babaeng health worker sa isang ospital sa NCR na residente ng Brgy. San Francisco sa Biñan.

Naka-admit sa ospital ang pasyente na nagsimulang makitaan ng sintomas noong April 11 at lumabas ang kumpirmasyon noong April 19.

Ang ika-26 na kaso naman ng Biñan ay 48- anyos na babae na mula sa Brgy Platero na kasalukuyang naka home-quarantine.

Nagsimula itong makaranas ng sintomas noong March 23 at lumabas ang resulta ng test nito noong April 18.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: