Jewelry shop sa Maynila, nanakawan ng P1-M cash at alahas

Aabot sa isang milyong piso halaga ng alahas at cash ang natangay mula sa isang jewelry shop sa Recto Avenue sa Sta Cruz, Maynila.

Ayon sa biktima na si Dulo Cai, kabubukas pa lamang niya ng kanilang puwesto sa Recto Avenue nang pumasok ang isang lalaki.

Tinutukan umano siya ng baril ng suspek kaya wala na siyang nagawa nang tangayin ang bag nito na may lamang kalahating milyong piso at mga alahas na nagkakahalaga rin ng kalahating milyong piso.

Sa CCTV footage, makikita ang isang lalaki na nakasuot ng sombrero, naka-face mask, naka-jacket ng itim at nakapantalon na pumasok sa jewelry shop.

Habang may makikita rin sa isa pang kuha sa CCTV na isang lalaking naka-back pack na huminto sa may jewelry shop at nagkamot ng tenga na sinasabing kasabwat ng suspek at nagsilbi umanong look out.

Madz Moratillo

Please follow and like us: