Isang lalaki na nang hostage sa Zamboanga Sibugay Province, patay

Napilitan si Police Major Xynone Caronan hepe ng Ipil Municipal Police Station na barilin ang isang hostage taker nang makitang tutuluyan ng suspek ang kanyang hostage sa highway ng Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay province.

Kinilala ang nasawing hostage taker na si Eduardo Andres Y Pijana habang nakilala naman biktima na si Irene Baybado Leyson na cashier ng isang insurance company.

Batay sa inisyal na imbestigasyon bago naganap ang panghohostage nauna nang nanghold up ng isang matandang lalaki ang suspek.

Naireport agad sa mga pulis ang panghoholdap kaya agad itong tinugis ng mga awtoridad.

Pumasok sa isang insurance company na malapit sa tanggapan ng LTO Ipil ang suspek , at hinatak ang dalagang si Irene para gawing human shield laban sa mga humahabol na pulis.

Nang akmang sasaktan na ng suspek ang biktima ay napilitan itong barilin ni Caronan na nagresulta ng agarang pagkamatay ng suspek.

Nag-iimbestiga na ang PNP sa Zamboanga Sibugay Province, upang matukoy kung nasangkot ba si Pijana sa iba pang krimen sa naturang lalawigan.

Ely Dumaboc

Please follow and like us: