Isang Senior Citizen patay sa Community pantry sa Holy spirit drive sa QC

Patay ang isang Senior Citizen na pumila sa isang community pantry sa Holy spirit drive sa Quezon city.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center si Rolando Dela Cruz 67 na taong gulang at residente Isidora st. Brgy Holy Spirit.

Ayon kay rannie ludovica chairman ng task force disiplina, alas diez ng umaga ang nakatakdang pagsisimula ng community pantry pero alas dos pa lang ng madaling araw nakapila na si Dela cruz.

Bukod kay Dela cruz dalawang babae pa na nakilalang sina Regine Montero 27 anyos ng Sauyo road Novalichez at Marivel Mugar Lavino, 33 anyos ng san Simon st Holy spirit ang hinimatay matapos dumugin ng mga tao ang pantry.

Nasa maayos ng kundisyon ang dalawa at naihatid na rin sa kanilang bahay.

Dahil sa insidente sinabi ni Ludovica na simula bukas mahigpit nilang ipatutupad ang curfew lalo na sa mga community pantry.

Madalas raw kasi madaling araw pa nakapila na ang mga residente para makakuha ng pagkain.

Iginiit naman ni Ludovica na walang koordinasyon sa mga awtoridad ang naturang community pantry at sa facebook lang daw ng aktres na si Angel Locsin ito inianunsyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: