Isinagawang Lingap sa Mamamayan ng INC, sa Aklan, naging matagumpay.

Matagumpay na naisagawa ng Iglesia ni Cristo ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia ni Cristo sa Bayan ng Libacao at. Brgy. Julita sa lalawigan ng Aklan.


Ito ay bilang paggunita sa kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo ngayong araw, Oktubre 31, 2020.


Umabot naman sa 3,000 na mga goodie bags ang naipamahagi ng Iglesia ni Cristo sa mga mamamayan sa nasabing bayan.


Pinasalamatan naman ng mga residenteng nakatanggap ng goodie bags ang pamunuan ng INC dahil tulong na ibinigay sa kanila lalo na sa panahon ngayon na may Covid 19 pandemic.


Nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde ng bayan ng Libacao sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo ang kapatid na Eduardo V. Manalo at sa mga kaanib nito dahil sa laging pagtulong na ginagawa ng INC hindi lamang sa kanilang bayan kundi sa lahat ng nangangailangan lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sa panahon ngayon ng pandemiya. 


Ulat ni Grace Ann Ramos

Please follow and like us: