James, Davis hindi lalahok sa NBA preseason opener

LOS ANGELES, United States (AFP) – Hindi lalahok si LeBron James at Anthony Davis sa unang exhibition game ng Los Angeles Lakers, kasunod ng pinakamaiksing off season sa kasaysayan ng National Basketball Association.

Sinabi ni head coach Frank Vogel, na ang Lakers at Los Angeles Clippers ang maghaharap sa una sa apat na exhibition games, bago ang 2020-21 season, ngunit hindi makakasa rito ang star duo.

Tinalo ng Lakers ang Miami Heat sa game six ng NBA finals noong October 11, para makuha ang isang record-tying 17th NBA championship.

Ang Lakers ay maglalaro ng tatlong preseason games pagkatapos ng Biyernes, isa pa laban sa Clippers at dalawa naman laban sa Phoenix Suns.

Bubuksan ng Lakers ang kanilang regular season sa December 22, kapag nakarahap nila ang Clippers sa Staples Center arena.

Ang season ay nag-kick off sa New York sa pamamagitan ng laro sa pagitan ng e Golden State Warriors at Brooklyn Nets.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: