JBC interview para sa mga aplikante sa babakantehing puwesto ni SC Justice Estela Perlas- Bernabe, itinakda sa April 5 at 6

Pitong aplikante para sa mababakanteng posisyon sa Korte Suprema ang sasalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC).

Sa abiso ng JBC, itinakda sa Abril 5 at 6 ang panayam nito sa mga aplikante para sa iiwang puwesto ni Senior Associate Justice Estela Perlas- Bernabe.

Si Bernabe ay magreretiro sa Mayo 14.

Tatlong aplikante ang naka-iskedyul sa JBC interview sa Martes, Abril 5.

Ang mga ito ay sina Court of Appeals Justices
Maria Elisa Diy, Apolinario Bruselas Jr. at Ramon Cruz.

Ang nalalabing apat naman ay sa Miyerkules, Abril 6 na sina CA Justice Fernanda Lampas Peralta, Ronaldo Roberto Martin, at Maria Filomena Singh, at Sandiganbayan Justice Geraldine Faith Econg.

Moira Encina

Please follow and like us: