Julia Barretto, naghain ng reklamo sa NBI laban kay Jay Sonza

Sinampahan ng mga reklamong kriminal sa NBI ng aktres na si Julia Barretto ang dating brodkaster na si Jay Sonza.

Ayon sa NBI, mga reklamong cyber libel at paglabag sa Safe Spaces Act ang inihain ni Barretto laban kay Sonza.

Ang reklamo ay nag-ugat sa sinasabing post sa Facebook ni Sonza noong September 21 kung saan inihayag nito na buntis si Barretto sa anak nito sa aktor na si Gerald Anderson.

Deleted o binura na ni Sonza ang nasabing post.

Kasama ng aktres na humarap sa NBI Cybercrime Division ang kanyang ina na si Marjorie Barretto.

Una nang sinabing fake news ni Julia ang pahayag ni Sonza.

Moira Encina

Please follow and like us: