July 9 idineklarang Regular Holiday sa buong bansa

292360570_424795589767716_5387669434271033731_n

Idineklara ng Malakanyang na Regular Holiday ang July 9, 2022 sa buong bansa.

Sa harap ito ng inisyung Proclamation number 2 para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ng mga kababayang muslim.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang Proclamation number 2 ay inisyu ni Executive Secretary Vic Rodriguez matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ang nasabing proklamasyon na nagdeklara sa Eid’l Adha bilang Regular Holiday ay batay sa Republic Act 9849.