Justice Zone pinasinayaan sa Balanga City, Bataan

May Justice Zone na rin sa Lungsod ng Balanga sa Bataan na ika-walo sa buong bansa.

Ang Justice Zone ay programa ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) na binubuo ng DILG, DOJ at Korte Suprema.

Courtesy: SC PIO

Layunin nito na maging patas, mapabilis at maging epektibo ang paggawad ng katarungan, at masolusyunan ang matagal nang problema ng delay at accountability.

Itinatag din ito para mapalakas ang komunikasyon at koordinasyon ng Supreme Court, DOJ, at DILG.

Ang Balanga City Justice Zone ang una na inilunsad sa termino ni Chief Justice Alexander Gesmundo at ikalawa naman sa pinasinayaan sa panahon ng pandemya.

Matatagpuan ito sa Bataan Government Center and Business Hub sa Capitol Compound ng Lungsod ng Balanga.

Moira Encina

Please follow and like us: