Kahit na-delay, final list ng mga kandidato sa halalan ilalabas parin ng Comelec bago matapos ang taon

Hindi natuloy ang nakatakda sanang paglalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato para sa May 2022 elections ngayong araw.

Pero tiniyak ng Commission on Elections na mailalabas nila ang final list bago matapos ang taon.

Sa Enero kasi target masimulan ng Comelec ang pag imprenta ng mga balota para sa halalan.

Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, marami pa kasing nuisance cases ang hindi pa nareresolba ng poll body.

Posibleng abutin aniya ng 2 hanggang 3 linggo bago matapos ang pagsasapinal nila ng listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: