Kamara, nagbigay ng commitment na tatapusin ang mga problema sa detalye ng budget habang naka-adjourn

Nagbigay na raw ng commitment ang Liderato ng Kamara na tatapusin ang detalye ng  pambansang budget kahit nakabakasyon ang kongreso.

Ayon kay Senator Sonny Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance, tumawag sa kanya si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang kaniyang counterpart sa mababang kapulungan.

Katunayan sinabi ni angara na bumuo ng 15 man committee ang mababang kapulungan para rebyuhin at himayin  ang mga isyu sa budget na posibleng kumain ng mahabang oras at debate.

Pero Aminado si Angara na maraming senador ang nangangamba na mauwi ito sa re enacted budget

Hindi kasi aniya papayag ang mga senador na hindi mahimay ang bawat detalye ng budget at madaliin ang proseso para lamang maabot ang target na deadline .

Sa pagbabalik kasi ng sesyon sa november 16, hindi agad ito matatalakay dahil kailangan pang I imprenta ang kopya ng budget at halos tatlong linggo lang ang nalalabi para busisiin naman ito ng senado bago ang kanilang bakasyon sa December 19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: