Kamara nagpaabiso na sa November 5 pa maisusumite ang Pambansang Budget

Nababahala ang Senado sa  pagkakaantala ng Pambansang budget para sa 2021.

Ito’y kahit napalitan na ang mga opisyal ng Kamara at naayos na ang gusot sa House speakership.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, may nagpaabiso sa kanya na sa November 5 pa maisusumite ng Kamara ang kopya ng budget.

Taliwas ito sa kanilang pangakong tatapusin ang budget ngayong araw para agad maisumite sa Senado.

Iginiit ni Sotto na gagahulin sa panahon ang Senado at dapat bago matapos ang Oktubre nasimulan na ang paghimay dito ng Mataas na Kapulungan.

Kahit naka break, nagdesisyon aniya ang Senado na magpatawag na ng sesyon sa November 9, para sana agad maisalang ang budget pero tila hindi mangyayari dahil sa kabagalan ng Kamara.

Meanne Corvera

Please follow and like us: